Secretary of Finance
August 5, 2025
Let me begin by congratulating the Bureau of the Treasury on the successful launch of the 31st tranche of our Retail Treasury Bonds—or RTBs.
Over the years, the purpose of our bond issuances has taken on a deeper meaning. Hindi na lamang ito simpleng paraan ng gobyerno para makalikom ng pondo para sa mga serbisyong kailangan ng taumbayan.
Ito ay katuparan ng pangako ng administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. na gawing abot-kamay para sa bawat Pilipino ang pagkakataong makaipon at mamuhunan para sa sariling kinabukasan, habang tumutulong sa pag-unlad ng bayan.
Dahil sa RTBs, ang bawat pisong ini-invest mo ay hindi lang lumalago — kundi nagiging bahagi ng kwento ng pag-asenso ng Pilipinas.
And this launch is also timely. It comes right after the enactment of the Capital Market Efficiency Promotion Act—or CMEPA—that empowers more and more Filipinos to grow their wealth in the capital markets.
Panahon na para ang capital market ay hindi na lang para sa mayayaman o sa mga eksperto sa finance. Ito ay para sa bawat Pilipinong nangangarap ng financial security.
And that’s why we are aggressively making our RTBs available and accessible to everyone—gaya ng mga estudyante, OFWs, sari-sari store owners, farmers, and young professionals. Anyone who wants their money to work as hard as they do.
At sa pamamagitan ng Gbonds sa GCash, kasing dali na lang ng pagbili ng load ang pag-invest. At napaka-mura lang ng kailangang kapital.
Pwedeng magsimula sa halagang 500 pesos lang—mas mura pa sa binibili mong kape at frappe sa Starbucks araw-araw.
Ang 500 pesos na yan, kayang tumubo ng 25 to 30 pesos. At kung mas malaki ang investment, mas malaki rin ang tubo.
Ito lang din ang investment na doble doble ang balik sayo. Dahil bawat RTB na nabibili ay bumabalik hindi lamang bilang interest, kundi bilang mga imprastraktura, estudyanteng libreng nakakapag-aral, at bawat pamilyang naiaahon natin sa kahirapan.
On our part in the government, I assure every Filipino that your investments in our country will be met with responsible fiscal management.
For we treat it as a sacred bond between the government and Filipino citizens. Between your hard-earned money and our promise to use it wisely, transparently, and purposefully with the future of the next generation in mind.
So, let’s invest more and call more of our people to put their money where their heart is: in the Philippines, in the Filipino nation, and in our shared future sa Bagong Pilipinas.
Maraming salamat po. Mabuhay ang mga Filipino investors! Mabuhay ang Bagong Pilipinas!