Turnover of Donation and Relief Goods in Davao

  • Post category:Speeches

Ralph G. Recto
Secretary of Finance

October 23, 2025

LANDBANK President and CEO Lynette Ortiz;
Governor Nelson Dayanghirang;
City of Mati Mayor Joel Mayo Almario;
Manay Mayor Jon Marco Dayanghirang;
Sa lahat ng mga Davaoeños:

Una, nais po naming magpa-abot ng taos-pusong pakikiramay sa lahat ng mga naapektuhan ng lindol, sa mga nawalan ng tahanan, at lalo na ng mga mahal sa buhay.

Nakikiisa po kami sa inyong pagdadalamhati at higit sa lahat, sa ating pagbangon.

Alam kong mabigat ang pinagdaanan ninyo nitong mga nakaraang araw. Ngunit sinisiguro po namin sa national government na hindi kayo nag iisa sa pagbangon.

The whole Filipino nation stands with you. We are praying for you, working with you, and rebuilding beside you.

At iyan po mismo ang dahilan kung bakit naririto kami ngayon. Nandito kami upang iparating sa inyo na nasa likod ninyo ang Department of Finance, ang buong pamahalaan, at ang sambayanang Pilipino.

Sabi nga ng ating Pangulo: Sama-sama tayong babangon muli.

Earlier, I have directed our Government Financial Institutions and Government-Owned and Controlled Corporations to immediately mobilize support on the ground.

At isa sa mga unang rumesponde ay ang LANDBANK. So, to the entire LANDBANK family— led by PCEO Lynette Ortiz— maraming, maraming salamat.

Ngayong araw, dala po namin ang cash assistance na nagkakahalagang 900 thousand pesos at 1,000 grocery packs para sa ating mga kababayan.

And we are here to assure you that we have the means, the funds, and the resolve to support your recovery.

And we are working non-stop, and we will continue to work non-stop to make sure that every family, every barangay, and every community in Davao Oriental can rebuild stronger, safer, and sooner base sa utos ng ating Pangulo.

So to all the local leaders of Davao Oriental, salamat for your leadership, your compassion, and your quick response. Your courage on the ground inspires us to keep doing better.

At ang tulong pong dala namin ngayon, nawa’y hindi lamang pansamantalang ginhawa, kundi simula ng tuloy-tuloy na pagbangon.

Isang pagbangon na mas matatag, mas ligtas, at nang may mas buong tiwala na hindi kayo kailanman malalayo sa malasakit ng ating pamahalaan.

Kaya muli maraming salamat po sa inyong lahat. Mabuhay ang Davao Oriental, at mabuhay ang Bagong Pilipinas. Salamat po.

###