Secretary of Finance
October 23, 2025
LANDBANK President and CEO Lynette Ortiz;
Cebu Governor Pamela Baricuatro;
To all our outstanding Mayors;
Sa lahat ng mga Cebuanos:
Maayong buntag kaninyong tanan.
Una, nais po naming magpa-abot ng taos-pusong pakikiramay sa lahat ng mga naapektuhan ng lindol, sa mga nawalan ng tahanan, at lalo na ng mga mahal sa buhay.
At nais ko pong magpasalamat sa pagtanggap niyo sa amin dito sa Cebu.
Alam kong napakahirap ng mga nakaraang linggo. Lalo na kay Governor Pam, na sa kanyang unang taon ay hinarap agad ang ganitong klaseng pagsubok.
But as they say, adversity brings out true leaders. And Governor Pam, together with our Mayors who never stopped working for their communities, have shown exactly that. Nagtrabaho kayong lahat nang mahusay, may malasakit, at may puso.
But the job is far from over. Alam nating lahat ‘yan. Ngunit sinisiguro po namin sa national government na hindi kayo nag iisa sa pagbangon.
The whole Filipino nation stands with you. We are praying for you, working with you, and rebuilding beside you.
And this is precisely why I came here personally. Nandito kami upang iparating sa inyo na nasa likod ninyo ang Department of Finance, ang buong pamahalaan, at ang sambayanang Pilipino.
Kahapon lamang, nag meeting kami sa palasyo kasama ang ating Pangulo at kasama ang mga mahahalagang departamento. At napag usapan kung paano tutulong sa pagbangon ng Cebu. Inutos rin ng ating mahal na Pangulo na siguraduhin na mayroong cash at mabilis ang pag rebuild ng Cebu Province.
Sabi nga ng ating Pangulo: Sama-sama tayong babangon muli.
Earlier, I directed our Government Financial Institutions and Government-Owned and Controlled Corporations to immediately mobilize support on the ground in times of calamities.
At isa sa mga unang rumesponde ay ang LANDBANK. So, to the entire LANDBANK family— led by PCEO Lynette— maraming, maraming, maraming salamat.
Today, we will turnover an additional 2.3 million pesos in cash assistance to affected areas in Cebu. Nauna na rin po nating naabutan ng 3.5 million pesos na tulong ang probinsya ng Cebu at ang Bogo City. At kasama rin po dito ngayon ang 2,600 relief packs para sa ating mga kababayan.
More importantly, today we bring the assurance that we have the means, the resources, and the resolve to support every community affected.
We have enough funds to respond quickly, to rebuild, and to come back stronger.
Kaya sa ating mga kababayan dito sa Cebu, tuloy-tuloy po ang suporta ng ating pamahalaan. At tuloy-tuloy po ang ating pagbangon.
Maraming salamat po sa inyong lahat. Mabuhay ang Cebu, at ang Bagong Pilipinas.